Saturday, October 01, 2011

Back up #1

Dahil nga sa napagtripan kong maghalungkat at mag-organize ng files at sa napanood kong balita sa tv, gusto ko i-share ang maikling kwento na nasulat noong 2004 habang sariwa pa yung insidente.
Duguan. Pasapasang mukha, braso, binti at gula gulanit na damit. Ito ang hitsura ng mamang pinagtulong tulungang bugbugin sa kanto dahil holdaper daw .

“Hindi ka maghanap buhay ng patas” wika ng isa.

“OO nga. Ninanakaw mo ang pinaghirapan naming pagtrabahuhan,” sagot naman ng aleng nakiki-usyoso.

Gusto ko rin sanang kumurot ng pinong pino kasi naging biktima din ako ng holdaper sa loob ng fx. Hanggang ngayon naalala ko pa rin yung pagtutok sa akin ng baril habang kinukuha yung bag ko. Simula noon, gumawa ako ng garter na pinaglalagyan ko ng cellphone at malaking halaga at itinatali ko sa binti ko tuwing uuwi na ako ng gabi. Naisip ko rin sanang magbenta ng ganoon. Kaya lang paano kung maging commercialized na eh hindi na rin magiging safe. [sa ngayon kahit pa meron nito, meron akong nabasa na insidente, ibigay mo man sa hindi ang mahahalagang bagay, buhay na ang unang kinukuha. Ibayong pag-iingat, kailangan]
Ayoko rin namang makikurot kasi sa dami ng nakapila. Ewan ko kung gusto lang nilang makikurot din o magpa-picture kasama yung kawawang mama.

Buti na lang sa isip ko lang sinasabi na kawawa yung mama. Kasi baka ako naman ang mapagbuntungan at pagtulong-tulungan.

Masarap sanang isipin na kapag nakikurot ako eh para na rin akong nakaganti kung sino mang hudas na kawatang tumutok sa akin ng baril. Naisip ko, hindi naman siya yun. Isa pa, maari rin namang napagkamalan yung mama kasi nga sa sobrang emosyon ng tao, hindi na makapagisip ng makatwiran. Yung iba, hindi pa naman nananakawan, nakikibida lang.

Eh paano kung magnanakaw talaga?

Posible rin naman na sa matinding pangangailangan. Halimbawa kelangan ng gamut para sa nag-aagaw buhay na mahal sa buhay. Minsan sa buhay ng tao, nakakagawa ka ng pagkakamali sa maling sirkumstansya. Sino ba naman ang mananadyang gumawa ng masama sa iba?

Pwede rin namang ‘peer pressure.’ Yung bang para magpapansin eh gagawin lahat kahit na alam mong mali. Alam ko pwedeng mangyari yung ganito sa mga kabataang naghahanap ng identity. Pero sa isang nasa tamang gulang, insecurity tawag dun.

Maliban sa mga kadahilanang yun, mahirap paniwalaan na sasadyain ng isang tao ang gumawa ng masama sa iba. Mag-isip ng masama sa iba, instinct yun na ang posibleng reaksyon ay flight o fight . Pero hanggat walang aktual na konsekwensya, pwede mo pa ring itama ang gawa.

Natutukso tuloy akong paniwalaan yung sinabi ni Carl Sagan, “With nature, good people are doing good things, while evil people are doing evil things. But for a good person to do evil things, it takes religion”

Minsan dahil sa pressure ng kinabibilangang grupo, kahit alam mong wala namang direktang ginawang masama sa iyo ang tao, nakikibugbog ka na rin at hindi umaawat kapag may pinagtutulong-tulungan.

Selfish
? Hindi naman siguro. Ayaw lang sigurong lumabas sa comfort zone. At mag-isip outside the box.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...