"Ate baby, pangarap kong maging mananahi," sabi ng bata sa kapitbahay.
"Bakit naman?" tanong ng mama ko.
"Para hindi na ako magsuot ng sirang damit" sagot ng 7-taong gulang na batang si Yankee
Muntik na akong maiyak sa usapang ito. Habang natawa naman si mama.
Una, dahil naramdaman kong may respeto ang 7-taong bata sa hanapbuhay ng nanay ko. Pangalawa, dahil sa mura niyang edad, kung saan ang karamihang bata ay puro laro lang ang iniisip at nagtatampo pa kapag hindi nasunod ang gusto, ay nangarap na solusyonan ang sira nyang damit. Pangatlo, dahil alam nyang sabihin kung ano ba talaga ang gusto at pangarap nya sa ngayon, mababaw man o hindi.
Gaya ng bawat isa, naangangarap ako ng 'world peace' dahil pag masaya at may hustisya para sa lahat, sino pa namang baboy ang sasalaula nito.
Nangarap ako ng katapatan. Kumplikado naman. Mahirap pagsamahin ang katotohanan at pagpoprotekta sa nararamdaman. Kahit pa madalas na katwiran eh kailangang protektahan ang isang musmos na huwag masaktan kaya napagsisinungalingan. Mahirap mang tanggapin para sa akin na kailangan kong makisama lagi sa bata, kailangan dahil iyon lang daw ang paraan para maipakita mong may pagmamahal ka.
Masyadong mataas ang mga pangarap ko, alam ko.
Kaya habang pilit kong inaabot yun, kagaano man kalayo, kataas o kahirap, hindi ako susuko. Hindi ko man makuha lahat ang gusto at pangarap ko, kuntento akong alam kong makakatulog ako ng walang pag-aalala kung hindi ko man makukuha ang gusto ko. Dahil laging may panibagong bukas kung saan pwedeng gawin ang dapat na gawain.
Na-inspire ako kay Yankee. Ngayon, kinailangan kong ayusin ang mga sira. Kahit man lang sarili kong damit. Kahit na alam ko na kapag natuto sya mawawalan ng kita si mama.
Masarap mang isipin na pagsamantahalan ang mga taong hindi kayang ayusin ang sarili nilang damit, at nangangailangan ng iba para gumawa noon. Ang pakiramdam na nagawa mo yung gawin kahit na pwede namang ipagawa sa iba ay mas makabuluhan para sa akin.
Ikaw, para kanino ko bumabangon? (Alam ko walang koneksyon, wala talaga para sa iyo)
No comments:
Post a Comment